Pulis sugatan sa pananaksak sa Airport sa Michigan

By Dona Dominguez-Cargullo June 22, 2017 - 06:42 AM

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang anggulong terorismo sa pagnanaksak sa isang pulis sa Bishop International Airport sa Flint, Michigan.

Pinalikas ang lahat ng pasahero sa nasabing paliparan makaraang isang lalaki ang umatake sa pulis na nakatalaga sa Department of Public Safety ng airport at saka ito sinaksak sa leeg.

Agad namang naisugod sa ospital ang biktimang si Lt. Jeff Neville at stable na ang kondisyon.

Ligtas naman lahat ng pasahero ayon sa statement ng pamunuan ng airport.

Ayon sa FBI, habang ginagawa ng suspek ang pag-atake ay nagbanggit ito ng mga pangalan ng mga taong mula sa Syria, Iraq at Afghanistan.

Matapos ang insidente, nagdagdag na ng seguridad sa Flint City Hall.

 

 

 

 

TAGS: Bishop International Airport, FBI, Flint City Hall, Bishop International Airport, FBI, Flint City Hall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.