Sa abiso ng nasabing bangko, nagsagawa sila ng system maintenance activities para matugunan ang naging problema.
Tiniyak naman ng Security Bank na ang delay sa posting ng mga transaksyon ay hindi maka-aapekto sa financial integrity ng kanilang mga kliyente.
Bagaman na-delay ang ilang serbisyo, patuloy naman umanong naka-access sa kanilang savings ang mga customer.
Humingi naman ng paumanhin ang Security bank sa nangyari.
Ang SecurityBank na ang ikatlong bangko na nakaranas ng problema sa kanilang sistema sa loob lamang ng tatlong linggo.
Ang BDO Unibank Inc. ay nakaranas ng ‘localized skimming attack’ habang ang Bank if the Philippine Island (BPI) ay nakaranas naman ng internal data processing error.