Matapos ang BPI at BDO, Security Bank, nakaranas din ng problema

By Dona Dominguez-Cargullo June 22, 2017 - 06:38 AM

Pinalawig kahapon ang banking hours ng Security Bank Corporation matapos na makaranas ng delay sa posting ng kanilang banking transactions.

Sa abiso ng nasabing bangko, nagsagawa sila ng system maintenance activities para matugunan ang naging problema.

Tiniyak naman ng Security Bank na ang delay sa posting ng mga transaksyon ay hindi maka-aapekto sa financial integrity ng kanilang mga kliyente.

Bagaman na-delay ang ilang serbisyo, patuloy naman umanong naka-access sa kanilang savings ang mga customer.

Humingi naman ng paumanhin ang Security bank sa nangyari.

Ang SecurityBank na ang ikatlong bangko na nakaranas ng problema sa kanilang sistema sa loob lamang ng tatlong linggo.

Ang BDO Unibank Inc. ay nakaranas ng ‘localized skimming attack’ habang ang Bank if the Philippine Island (BPI) ay nakaranas naman ng internal data processing error.

 

 

 

TAGS: bank, bank transactions, banking, security bank, bank, bank transactions, banking, security bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.