‘Carpet bombing’ sa Marawi, handang ipag-utos ni Duterte
Kung kinakailangan, handa si Pangulong Rodrigo Duterte na maglunsad ng ‘carpet bombing’ sa Marawi City upang tuluyang masugpo ang Maute group na nagtatago pa rin sa sentro ng lungsod.
Paliwanag ng pangulo, sadyang pinaghandaan ng teroristang grupo ang kanilang planong kubkubin ang Marawi City kaya’t hanggang ngayon ay nananatili ang puwersa nito sa Marawi.
Kung kinakailangan aniyang tuluyang sirain ang lungsod sa pamamagitan ng mga bomba ay kanya itong gagawin, maubos lamang ang kalaban.
Ito rin aniya ang kanyang naiisisip na paraan upang hindi na malagay pa sa alanganin ang buhay ng mga sundalo.
Sa pinakahuling tala, umaabot na sa mahigit 60 ang napapatay na sundalo sa halos isang buwang opensiba ng militar laban sa teroristang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.