
Hinimok ng National Food Authority ang publiko na itigil ang pagkakalat ng mga bali-balita tungkol sa pekeng bigas sa social media.
Ayon sa isang NFA official, ang paggawa ng pekeng bigas ay mas mahal pa sa pagtatanim ng palay.
Sa 11 sample ng pinagsususpetsyahang pekeng bigas na ipinadala sa NFA, karamihan sa mga ito ay napatunayang tunay na bigas.
Ipinaliwanag ni NFA-FDC Quality Evaluation Division Chief Research Specialist Luz Padilla na ang kanin na binilog ay maaari talagang tumalbog dahil sa mataas na starch content nito.
Ayon naman kay Fe Urnieta, NFA-FDC Micro-analytical Laboratory, nang tingnan sa ilalim ng microscope ang mga samples ng dimano’y pekeng bigas, meron silang mga iregular na hugis na dapat ay hitsura ng tunay na bigas.
Ipagpapatuloy ng FDC ang pag-aanalisa sa 11 sample ng bigas, kasama na doon ang microscopic analysis, starch analysis, at sensory evaluation o ang actual na pagluluto at pagtikim sa mga bigas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.