BIFF nagpapapansin lang sa Pigkawayan attack-AFP

By Isa Avendaño-Umali June 22, 2017 - 04:30 AM

 

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines o AFP na isang uri ng pagpapapansin ang pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Pigkawayan, North Cotabato.

Sa Mindanao Hour briefing, sinabi ni AFP Spokesperson Restituto Padilla na isang “opportunistic activity” ang ginawa ng BIFF.

Sinamantala aniya ng grupo ang pagkakataon lalo’t nakatutok ang pwersa ng gobyerno sa krisis sa Marawi City.

Subalit sa mabuting palad, ani Padilla, ay hindi nagtagumpay ang BIFF dahil bagama’t maraming kinakaharap na kalaban ang pamahalaan ay naikalat ng maayos ang tropa ng mga sundalo.

Itinanggi naman ni Padilla na kinalaman ang panghaharass ng BIFF sa Marawi City crisis.

Giit nito, hindi maiku-kunsiderang spill-over ng gulo sa mMrawi ang ginawang pananakot ng BIFF.

Aniya, isang maliit na grupo lamang ang BIFF at hindi singlaki ng Maute terror group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.