Duterte hindi na-mild stoke ayon sa Malacañang
Mariing itinanggi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na na-mild stroke si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y kasunod ng isinulat na artikulo sa isang pahayagan ni dating Senador Kit Tatad kung saan binanggit nito na isinugod umano ang pangulo sa Cardinal Santos Memorial Hospital matapos ma-stroke.
Ayon kay Abella, gumagawa lamang si Tatad ng “fantasies” o pantasya.
Pinabulaanan din nito ang alegasyon din ni Tatad na nagkaroon ng pulong ang mga miyembro ng gabinete sa pangunguna si Secretary Jun Evasco hinggil sa kalusugan ng presidente,
Giit ng palace spokesman, mismong si Duterte na ang nagsabi na nagpahinga lamang siya sa ilang araw na pananahimik at hindi pagpapakita sa media at publiko.
Matatandaan na hindi nakadalo sa 119th Independence Day celebration sa Luneta si Duterte sa rasong puyat at pagod ito makaraan ang serye ng pagdalaw sa mga sugatang sundalo sa Marawi City siege.
Pero lalong umingay ang mga haka-haka na baka may sakit ang punong ehekutibo nang hindi siya magpakita sa mga sumunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.