BIFF members na lumusob sa North Cotabato nakatakas

By Chona Yu, Den Macaranas June 21, 2017 - 05:11 PM

Inquirer file photo

Nagsasagawa ngayon ng pursuit operations ang mga tauhan ng militar para tugisin ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na sapilitang pumasok at kumubkob sa isang paaralan sa Pigcawayan, North Cotabato.

Binihag nila at ginawang hostage ang ilang mga sibilyan sa pag-atake sa Malagakit Elementary School at Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT sa nasabing bayan kaninang umaga.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman BGen. Restituto Padilla na wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa hanay ng mga binihag na sibilyan.

Ayon naman kay Capt. Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, ginawang human shield ng BIFF ang hindi matukoy na bilang ng sibilyan habang nakikipagpalitan ng putok sa mga pulis, sundalo at BPAT.

Ipinaliwanag ni Encinas na base sa impormasyon na kanilang natanggap sa mga residente, aabot sa labing dalawang sibilyan ang binihag umano ng BIFF pero ito ay patuloy pa nilang biniberpika.

Dagdag ni Encinas, tumagal ng labinglima hanggang tatlumpong minuto ang palitan ng putok sa magkabilang panig.

Sa naturang engkwentro isang CAFGU member ang iniulat na sugatan.

Nililinaw ni Encinas na hindi dalawang daan kundi tatlumpong miyembro lamang ng BIFF ang umatake sa Barangay Malagakit.

TAGS: abu misry mama, AFP, BIFF, pigcawayan, abu misry mama, AFP, BIFF, pigcawayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.