Ilang mga ATMs ginamitan ng mga high tech na skimming devices

By Ruel Perez June 21, 2017 - 04:24 PM

Patuloy sa pagdevelop ng kanilang mga skimming devices ang mga magnanakaw ng deposito gamit ang Automated Teller Machines (ATM) ng mga bangko.

Ayon kay Tomas Victor Mendoza, Senior Vice President ng Transaction Banking Group ng BDO, seryoso umano ang effort na ginagawa ng mga sindikato na gumagamit ng makabagong teknolohiya para makagawa ng makabagong skimming device.

Hindi naman isinawalat ni Mendoza ang makabagong skimming device pero iginiit nito na handa syang ipakita ito sa mga senador na miembro ng senate committee on banks, financial institutions and currencies sa isang executive session.

Samantala, sa ginawang pagdinig ng komite, iginiit ng BDO na hindi hacking kundi skimming lamang ang nangyaring aberya sa kanilang mga ATM.

Sa tala ng BDO umabot sa pitong mga ATM ang nadiskubre nilang ginamitan ng skimming device kamakailan pero sa kabuuan umabot na sa siyamnapu’t limang atm cards ang kanilang na- disable dahil nagamitan ng skimming devices. 

TAGS: bdo, Senate, skimming device, bdo, Senate, skimming device

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.