Duterte at Indonesian President Widodo magpupulong tungkol sa terorismo

Inquirer file photo

Magpupulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo.

Kahapon ay sinabi ng pangulo ang nasabing pulong ay sesentro sa pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa lalo na sa paglaban sa mga terorista.

Sa press conference sa Malacañang ay tumanggi si Presidential Spokesman Ernesto Abella na ibigay ang detalye ng nasabing pulong.

Nauna nang sinabi ng pangulo na gusto niyang linawin sa pamahalaan ng Indonesia ang naunang pahayag ng kanilang Defense Minister na mayroong 1,200 ISIS members ang nasa bansa.

Ayon sa panguli, mahirap paniwalaan ang nasabing bilang pero dapat umanong isaisip ng lahat na malinaw na banta sa ating seguridad ang ISIS.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na dalawang Indonesian nationals na kasama ng Maute terror group ang napatay ng militar sa patuloy na bakbakan sa Marawi City.

Sa kabuuan ay walong mga foreign nationals ang sinasabing kasama ng mga terorista ng kanilang isagawa ang paglusob sa lungsod isang buwan na ang nakalilipas.

Read more...