Residential area sa San Andres Maynila nasunog

By Den Macaranas June 21, 2017 - 02:55 PM

Photo: Phil Red Cross

Pasado alas-tres ng hapon ng ideklarang fire under control ng Manila Fire Department ang malaking sunog na tumupok ilang mga kabahayan malapit sa kanto ng Osmeña Highway at Quirino Avenue sa San Andres lungsod ng Maynila.

Pasado alas-dose kanina nang makatanggap ng tawag ang Manila Fire Department kaugnay sa nasabing sunog at makalipas lamang ang halos ay isang oras ay kaagad na itong itinaas sa 5th alarm.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), pawang mga gawa sa light materials ang mga bahay na nasusunog sa kasalukuyan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang bilang ng mga nasunog na bahay samantalang wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa naturang insidente.

Nagpadala na ng mga tauhan ang Manila City Hall para tulungan ang mga nasunugan samantalang ang ilan naman sa kanila ay pansamantalang mananatili sa ilang mga covered court sa San Andres Bukid.

 

Courtesy of Ryan Santoyo

TAGS: fire, manila, osmena highway, san andres, fire, manila, osmena highway, san andres

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.