WATCH: 4 ang patay sa magkakahiwalay na insidente sa Caloocan at Navotas

Apat ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente na naganap sa Caloocan City at sa Navotas City.

Sa Bagong Silang Caloocan, tatlong katao ang nasawi sa ikinasang mga operasyon ng Northern Police District (NPD).

Unang na napatay ang dalawang lalaki makaraang makipagpalitan ng putok sa mga otoridad sa Barangay 176, Bagong Silang.

Ilang kanto lamang ang layo, napatay naman sa follow up operation sa Balwarte, Bagong Silang Phase 2 ang isa pang lalaki.

Samantala, patay naman makarang tambangan ng riding-in-tandem ang isang 41-anyos na vendor sa Barangay NBBS, Navotas City.

Sapilitan umanong isinasakay sa motorsiklo ang biktima pero ito ay pumalag kaya pinaputukan na lang ng mga suspek.

Narito ang report ni Jong Manlapaz:

Read more...