Mahigit 500 residente, inilikas dahil sa bakbakan sa Pigcawayan, North Cotabato

By Chona Yu June 21, 2017 - 12:25 PM

INQUIRER FILE PHOTO

Aabot sa 513 na residente ng Barangay Malagakit sa Pigkawayan, North Cotabato ang lumikas na dahil sa paglusob ng miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Police Supt. Romeo Galgo, ang tagapagsalita ng PNP-Central Mindanao, iniwasan ng mga residente na maipit sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at BIFF.

As of 10:20, Miyerkules ng umaga umaga ay patuloy pa ang pakikipagbakbakan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga miyembro ng Barangay peacekepping action teams sa BIFF.

Hindi pa makumpirma ni Galgo kung nasa loob ng Malagakit Elementary School ang mga armadong grupo.

Ayon kay Galgo, inaalam pa ng kanilang hanay kung may bihag o kung may napatay ang BIFF.

Hindi rin matukoy ni kung ilang miyembro ng BIFF ang umatake sa Brgy. Malagakit.

TAGS: AFP, BIFF, pigcawayan north cotabato, AFP, BIFF, pigcawayan north cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.