Ayon kay Abu Misry Mama, tagapagsalita ng BIFF, nagsimula ang sagupaan sa pagitan ng kanilang mga miyembro at mga sundalo matapos na una nilang lusubin ang kampo ng tropa ng pamahalaan sa lugar.
Kinumpirma din ng BIFF na may hawak silang mga guro at estudyante.
Gayunman, hindi umano nila hostage ang mga ito.
Nais lamang umano nilang makaiwas sa pagpapaulan ng bala ng mga sundalo.
Nagbanta din ang BIFF ng pagsalakay pa sa mga kalapit na barangay sa Pigcawayan.
Umabot na sa 70 residente sa Pigcawayan ang nilikas bunsod ng nasabing bakbakan.
MOST READ
LATEST STORIES