BIFF, kinumpirmang may hawak silang mga guro at estudyante sa Pigcawayan, North Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo June 21, 2017 - 11:18 AM

Kinumpirma ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na mga miyembro nila ang ka-engwentro ngayon ng mga militar sa Barangay Malagakit, Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon kay Abu Misry Mama, tagapagsalita ng BIFF, nagsimula ang sagupaan sa pagitan ng kanilang mga miyembro at mga sundalo matapos na una nilang lusubin ang kampo ng tropa ng pamahalaan sa lugar.

Kinumpirma din ng BIFF na may hawak silang mga guro at estudyante.

Gayunman, hindi umano nila hostage ang mga ito.

Nais lamang umano nilang makaiwas sa pagpapaulan ng bala ng mga sundalo.

Nagbanta din ang BIFF ng pagsalakay pa sa mga kalapit na barangay sa Pigcawayan.

Umabot na sa 70 residente sa Pigcawayan ang nilikas bunsod ng nasabing bakbakan.

 

 

 

TAGS: abu misry mama, BIFF, malagakit, North Cotabato, abu misry mama, BIFF, malagakit, North Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.