Los Baños, Laguna, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo June 21, 2017 - 11:12 AM

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Los Baños, Laguna, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol alas 9:18 ng umaga sa 3 kilometers west ng Los Baños.

Dahil sa nasabing lindol, naramdaman ang intensity 4 sa Los Baños at Alaminos, Laguna; Malvar, Batangas; at Tanauan City, Batangas.

Intensity 3 naman ang naramdaman sa Lipa, San Rafael, at Santo Tomas, Batangas.

Habang intensity 2 sa Tagaytay City at Cuenca, Batangas.

Unang iniulat ng Phivolcs na sa Malvar sa Batangas ang epicenter ng nasabing lindol at 3.2 lamang ang magnitude.

Pero kalaunan, naglabas ito ng ikalawang impormasyon at itinaas ang magnitude ng pagyanig at sinabing sa Los Baños tumama ang lindol.

 

 

 

 

TAGS: Batangas, earthquake, laguna, phivolcs, Tagaytay, Batangas, earthquake, laguna, phivolcs, Tagaytay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.