2 sugatan sa sunog sa Pasay City

Dalawang residente ang nasugatan sa sunog na naganap sa FB Harrison sa Pasay City.

Naganap ang sunog pasado alas 8:00 ng umaga, kung saan aabot sa 25 na mga bahay ang nadamay.

Ayon sa ginang na residente ng bahay na pinagmulan ng sunog, nagluluto siya nang bigla na lamang sumiklab ang kalan at kumalat na ang apoy.

Isa sa mga nasugatan ay tumalon mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay habang ang isa ay nagtamo ng sunog sa katawan.

Inaalam pa kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

Read more...