BREAKING: Paaralan sa Pigcawayan, North Cotabato, inatake ng BIFF

By Dona Dominguez-Cargullo June 21, 2017 - 08:57 AM

Inatake ng mga armadong grupo mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang isang paaralan sa Pigcawayan, North Cotabato.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sa hepe ng Pigcawayan Municipal Police station na si Chief Insp. Reylan Mamon, alas 5:45 ng umaga nang matanggap nila ang tawag na mayroong sumalakay sa paaralan sa Barangay Malagakit.

Inaalam pa ng mga otoridad kung gaano karami ang mga suspek at kung ilan ang apektadong indibidwal.

Pero may nauna nang napaulat na may mga hawak na hostage ang mga suspek.

Sinabi ni Mamon na nai-deploy na sa lugar ang mga tauhan ng 34th Infantry Battalion.

Nai-secure na rin ang buong Barangay Malagakit at dalawa pang kalapit nitong barangay.

 

 

TAGS: barangay malagakit, BIFF, pigcawayan north cotabato, barangay malagakit, BIFF, pigcawayan north cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.