“Sinira nila ang Marawi, I have to drive them out” – Duterte

Malacanang Photo

Kasabay ng paghingi ng tawad sa mga naapektuhan ng bakbakan sa Marawi, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pamilya na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang matulungan silang makabangon.

Binisita ni Duterte ang mga evacuees kahapon sa National School of Fisheries sa Iligan City at pinangunahan ang pamamahagi ng relief goods at cash assistance.

Sinabi ng pangulo na dahil sinira ng grupong Maute ang Marawi City, wala siyang magagawa kundi ang magdeklara ng martial law.

Ito aniya ang paraan para maitaboy ang mga terorista.

Malacanang Photo

“Sana sa madaling panahon you will find a new heart to forgive my soldiers, ang gobyerno, pati ako, for declaring martial law. Wala akong choice eh. Sinisira na ang Marawi. I have to drive them out,” ayon kay Duterte.

Matapos ang kaniyang pagbisita sa nasabing lugar kagabi, 10 sugatang sundalo ang isinakay ni Duterte sa presidential plane pauwi ng Maynila.

Ito ay para mabilis na malapatan ng lunas ang mga nasugatang sundalo.

Sa larawan mula sa Malakanyang, makikita na kasama at kausap ni Duterte ang mga nasugatang sundalo habang sila ay nasa presidential plane at bumibiyahe pabalik ng Maynila.

Read more...