Pilipinas wagi kontra El Salvador, pero bigo sa Slovenia sa FIBA 3×3 World Cup

By Dona Dominguez-Cargullo June 21, 2017 - 06:43 AM

FIBA Photo

Tinalo ng Pilipinas ang team ng El Salvador sa nagpapatuloy na FIBA 3×3 World Cup na ginaganap sa Nantes France.

Ang laro kontra sa El Salvador ang ikalawang laban na hinarap ng team ng Pilipinas kaninang madaling araw, oras sa Pilipinas.

Namayani ang mga pinoy sa score na 21 – 14, dahilan para makamit ang ikalawang panalo sa FIBA 3×3 World Cup.

Pero sa naunang laban kontra Slovenia, ay bigo ang Pilipinas na magwagi.

FIBA Photo

Ang Slovenia ang namayani sa parehong score na 21 – 14.

Ito rin ang ikalawang talo ng Pilipinas.

Ang Philippine Team sa FIBA 3×3 ay binubuo nina Kobe Paras, Jeron Teng, Keifer Ravena at JR Quiñahan.

TAGS: 3x3, basketball, FIBA, jeron teng, JR Quiñahan, Keifer Ravena, kobe paras, World Cup, 3x3, basketball, FIBA, jeron teng, JR Quiñahan, Keifer Ravena, kobe paras, World Cup

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.