Pinag-ibayong bombing ops sa Marawi, isinagawa ng militar
Muling pinaulanan ng mga bomba ng mga eroplano ng Philippine Air Force kahapon ang mga hinihinalang pinagtataguan ng mga miyembro ng Maute group sa Marawi City.
Ito’y upang tuluyang pahinain ang kapit ng grupo sa sentro ng Marawi City at tapusin na ng tuluyan ang mga terorista bago ang Eid ul Fit’r o ang pagtatapos ng Ramadan sa June 26.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP, target nila na ma-clear ang kabuuan ng lungsod bago ang pagtatapos ng itinuturing na isa sa mga mahalagang okasyon para sa mga Muslim.
Ito aniya ay upang maiwasan ang pagsali ng iba pang grupo na pumapanig sa Maute group sa labanan pagkatapos ng Ramadan.
Binabantayan rin aniya ng AFP ang ilang grupo na sinasabing nagbabalak na sumama sa naturang grupo.
Sa ngayon aniya, ay halos door-to-door na ang bakbakan sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at ng mga kalaban.
Nasa higit isanlibo pang struktura pa aniya ang kanilang target na i-clear sa kasalukuyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.