Duterte nag-sorry sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao

By Mariel Cruz June 20, 2017 - 07:51 PM

Inquirer file photo

Humingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Maranao dahil sa nararanasan kaguluhan na idinulot ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Maute terror group at tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Bukod dito, nag-sorry din si Duterte sa pagdedeklara niya ng Martial Law sa buong Mindanao, dahil sa sitwasyon sa lalawigan.

Sa kanyang pagbisita sa National School of Fisheries sa Iligan City, sinabi ng pangulo na umaasa siyang mapapatawad ng mga Maranao ang kanyang mga sundalo, ang gobyerno at siya mismo dahil sa pagdedeklara ng Martial Law.

Sinabi pa ng pangulo na unti-unti nang sinisira ang Marawi at ang tanging paraan na lang na naisip niyang gawin ay ang pagdedeklara ng Batas Militar para masupil ang Maute group.

Kasabay nito, nangako si Duterte na tutulong siya sa isasagawang rehabilitasyon sa Marawi City at maging sa mga residenteng inilikas dahil sa kaguluhan.

Ipinangako rin ng pangulo na babalik ang normal at maayos na buhay sa Marawi City.

TAGS: duterte, Iligan City, maranao, marawi, Martial Law, Mindanao, duterte, Iligan City, maranao, marawi, Martial Law, Mindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.