“Wow Philippines” dapat ibalik sa DOT campaign ayon kay Gordon
Hinimok ni Sen. Richard Gordon ang Department of Tourism na buhayin ang tourism slogan na “Wow Philippines”, na inilunsad noong siya pa ang kalihim ng kagawaran.
Kasunod ito ng kinakaharap na kontrobersiya ng bagong tourism video ng DOT na “Experience the Philippines”.
Ayon kay Gordon, hindi kinakailangan na palitan ng ilang beses ang tourism slogan ng Pilipinas.
Inihalimbawa pa ni Gordon ang ilang bansa na hindi nagpapalit ng slogan, tulad ng “Amazing Thailand” at “Malaysia Truly Asia”.
Wala aniyang masama kung ibabalik ang “Wow Philippines!” dahil isa ito sa tumatak na slogan mga turista.
Paliwanag pa ni Gordon, hindi niya sinabi na hindi maganda ang bagong slogan ng bansa.
Ang hindi lang aniya maganda ay ginagastusan ang paglikha ng tourism slogan ng malaking pera.
Ibinida pa ni Gordon na noong kalihim siya ng DOT, wala silang ginastos sa slogan na “Wow Philippines”.
Si Gordon ay naging Tourism secretary noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.