PUV modernization program bubusisiin ng Senado

By Ruel Perez June 20, 2017 - 04:07 PM

Inquirer file photo

Naghain ng Senate Resolution si Senador Sonny Angara na naglalayon na busisiin ang bagong lunsad na programa ng pamahalaan na Public Utility Vehicle PUV modernization program.

Layunin din ng resolusyon ni Angara na matiyak na ang naturang programa ay hindi makakaapekto sa mga operators at drivers sa halip ay makakaginhawa ito sa kanila at maging sa mga commuters.

Sa ilalim ng PUV modernization program nakatakdang i-phase out ang mga luma at mga mausok na pampasaherong jeepney na 15 taon pataas kung saan papalitan ito ng euro 4 engines o electrically powered engines na may solar panel sa bubong ng sasakyan.

Inulan ng protesta ang naturang programa mula sa transport group at ilang drivers at jeepney operators na nangangamba na hindi kakayanin ang gastusin sa naturang programa ng pamahalaan.

Iginiit ni Angara na dapat ay mabigyan ang mga drivers at operators ng sapat na tulong pinansyal ng gobyerno para makasunod sa modernisasyon.

TAGS: Angara, beep, PUV modernization, Senate, Angara, beep, PUV modernization, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.