Malaking shabu laboratory sa Marawi City target ng AFP

By Den Macaranas June 20, 2017 - 03:09 PM

Bukod sa paghahanap sa mga natitirang mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf Group sa loob ng Marawi City ay target na rin ngayon ng militar ang paghahanap sa sinasabing shabu laboratory sa lungsod.

Sinabi ni Joint Task Force Ranao Commander B/Gen. Ramiro Rey na may mga impormasyon silang natatanggap kaugnay sa pagkakaroon ng pagawaan ng droga sa loob ng conflict zone.

Kahapon ay umaabot sa halos ay 11 kilo ng shabu na may street value na P250 Million ang narekober ng mga otoridad sa pinaniniwalaang pinagtaguan ng mga miyembro ng Maute terror group.

Malaki rin ang hinala ng mga otoridad na bangag sa droga ang mga terorista na kanilang tinutugis sa kasalukuyan.

Pinag-aaralan rin ng AFP ang posibilidad na may mga narcopoliticians sa likod ng mga illegal drugs sa Marawi City.

Sa pinahuling bilang ng militrar, sinabi ni Rey na umaabot na sa 258 ang bilang ng mga Maute members na kanilang napapatay simula ng sumiklab ang gulo sa Marawi City may isang buwan na ang nakakaraan.

TAGS: ias, lito cabamongan, PNP, shabu, ias, lito cabamongan, PNP, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.