Pinay sa Saudi Arabia inabswelto sa murder; ligtas na sa parusang bitay

By Rohanisa Abbas June 20, 2017 - 11:35 AM

(UPDATE) Naisalba mula sa death row ang overseas Filipino worker na si Jennifer Dalquez matapos maabswelto sa kasong murder sa United Arab Emirates, ayon sa Migrante International.

Ayon sa Migrante, ibinalita ito ng Department of Foreign Affairs sa mga magulang ni Dalquez.

Sinabi ng DFA na pinawalang sala ng Court of Appeals sa Al Ain si Dalquez sa kasong murder at idineklara itong ‘innocent without diyyah’ kaya hindi na niya kinakailangang magbigay ng blood money.

Gayunman, ayon sa Migrante, makukulong pa rin ang naturang OFW sa loob ng limang taon sa kasong pagnanakaw ng mobile phone.

Si Dalquez ay inaresto noong December 12, 2014 ilang araw matapos saksakin ang kaniyang amo na si Mr. Alaryani.

Depensa ni Dalquez, tinangka siyang gahasain ng amo kaya dinipensahan lamang niya ang sarili.

Hinatulan ng Al Ain Court of First Instance ng parusang kamatayan si Dalquez noong May 20, 2015.

Nabigyan naman siya ng pagkakataon na mapabaligtad ang desisyon sa ilalim ng Shariah o Islamic Law kapag hindi sumumpa ang mga anak ng biktima sa ngalan ni Allah na ang suspek ang pumatay sa mga ama nito, at sa halip ay magbayad ng blood money.

 

TAGS: death row, jennifer dalquez, migrante, ofw, saudi arabia, death row, jennifer dalquez, migrante, ofw, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.