Mga opisyal at empleyado ng DPWH, nag ambag-ambag; nakalikom ng halos P5M pantulong sa Marawi

By Dona Dominguez-Cargullo June 20, 2017 - 10:54 AM

Nakalikom ng P4.78 million na halaga ang mga opisyal at empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula sa personal nilang mga pera upang ipangtulong sa Marawi City.

Ang nasabing halaga ay ibinili ng mga relief goods na ipapamahagi sa mga Internally Displaced Persons (IDPs) sa iba’t ibang various evacuation centers sa Iligan City na naapektuhan ng bakbakan ng mga sundalo at Maute group.

Ayon kay DPWH Secretary Mark A. Villar, ang unang batch ng relief goods ay ipinamahagi sa 3,572 na evacuees sa Buru-un School of Fisheries, Ma. Cristina Gym, Tibanga Gym, Sta. Elena Gym at Buru-un Gym sa Iligan City.

Nakinabang din sa relief operation ng ahensya ang mga sundalo mula sa 103rd infantry battalion.

Sa Huwebes, June 22, 2017, panibagong batch ng relief goods ang dadalhin sa Lanao Del Sur. Nasa 5,000 na evacuees naman ang makikinabang dito.

Kabilang sa nag ambag-ambag para sa relief operation ang mga opisyal ng DPWH at empleyado sa central office, 17 regional offices at 182 district engineering offices sa buong bansa.

 

TAGS: DPWH, Iligan City, Marawi City, DPWH, Iligan City, Marawi City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.