Ilocos Norte at Davao Oriental, niyanig ng magkakasunod na lindol
Magkakasunod na pagyanig ang naitala sa Ilocos Norte Martes ng umaga, June 20.
Unang naitala at pinakamalakas ang magnitude 4.3 na lindol sa bayan ng Burgos, Ilocos Norte.
Ayon sa Phivolcs, may lalim na 10 kilometers ang pagyanig.
Naitala naman ng Phivolcs ang intensity 4 sa Bugos, Ilocos Norte at intensity 2 sa Laoag City bunsod ng nasabing lindol.
Samantala, alas 2:34 naman ng madaling araw, tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Adams, Ilocos Norte.
Ayon sa Phivolcs may lalim na 13 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala naman ng ang intensity 3 sa Burgos, Ilocos Norte; intensity 2 sa Pasuquin, Ilocos Norte at intensity 1 sa Sinait, Ilocos Sur bunsod ng nasabing lindol.
Ang nasabing lindol sa bayan ng Adams ay nasundan pa ng magnitude 3.0 na pagyanig alas 2:53 ng madaling araw.
Magkakasunod na pagyanig din ang naitala sa ilang bahagi ng Mindanao mula Martes ng madaling araw.
Sa Zamboanga Del Norte, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Sindangan.
Naganap ang pagyanig ala 1:53 ng madaling araw at naitala ang intensity 4 bunsod ng nasabing lindol.
Alas 5:37 naman ng umaga nang yanigin ng magnitude 3.2 na lindol ang Tarragona, Davao Oriental.
Naitala ang lindol sa 111 kilometers east ng bayan ng Tarragona.
Nasundan naman ito ng magnitude 3.3 na lindol sa Baganga, Davao Oriental alas 8:33 ng umaga.
Wala namang naitalang intensity ang Phivolcs sa dalawang magkasunod na payanig sa nasabing lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.