Leila De Lima, pinigilang makalabas ng compound ng DOJ ng mga kasapi ng Iglesia Ni Cristo

August 27, 2015 - 05:16 PM

 

 

doj de lima1Libu-libong kasapi ng Iglesia ni Cristo ang sumugod sa tanggapan ng Department of Justice sa Padre Faura, Manila bilang pagpapakita ng pagtutol sa mga hakbang ni Justice Secretary Leila De Lima.

Sabay-sabay na sumigaw ang mga kasapi ng INC na “Huwag Makialam!”

Dalawang beses na nagtangkang lumabas ng DOJ compound ang sasakyan ni De Lima ngunit hinarang ito ng mga kasapi ng INC.

Dahil sa dami ng mga miyembro ng Iglesia, hindi makalabas ang sasakyan ni DOJ Secretary Leila de Lima palabas ng compound ng DOJ.

Dahil dito, nagpasya ang Kalihim na iwan ang kanyang sasakyan at gamitin ang backdoor exit ng compound.

Inirereklamo ng mga taga-INC ang anila’y double standard na ipinakita ng kalihim sa usapin ng reklamo na inihain ng itiniwalag na kasapi ng INC at dating ministro na si Isaias Samson Jr., laban sa ilang pinuno ng INC.

Mistula aniyang may double standard ang kalihim dahil hindi nito ginagawan ng aksyon ang kaso ng Mamasapano Incident kung saan dalawa sa mga opisyal na nasawi ay miyembro ng INC.

Gayunman, giit ni De Lima, ginawa lamang niya ang kanyang tungkulin nang tanggapin ang reklamong inihain ni Samson laban sa Iglesia ni Cristo..

Nataon ang rally sa ika-56 na kaarawan ni De Lima./Arlyn Dela Cruz, Jay Dones

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.