Kinumpirma ng UP Diliman na ang graduating summa cum laude student na may degree sa molecular biology at biotechnology ng UP College of Science na si Arman Ali Ghodsinia ang magtatalumpati sa ika-106 na general commencement exercises ng unibersidad.
Paliwanag ni UP Diliman Chancellor Michael Tan, kanilang napili ang valedictory speech ni Ghodsinia mula sa 12 iba pang summa cum laude graduates.
Magtatapos aniya si Ghodsinia bilang topnotcher sa kanilang klase na may general weighted average na 1.176.
Inaasahang magiging puno ng malalim na mensahe ng pag-asa ang talumpati ni Ghodsinia sa commencement exercises sa Linggo, na eksaktong isang araw bago matapos ang Eid-ul Fitr.