‘La Luna Sangre’ trending sa social media

 

Pinag-usapan sa social media ang pagsisimula ng bagong teleseryeng “La Luna Sangre” kagabi.

Ito ang bagong seryeng pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Angel Locsin, John Lloyd Cruz at ang ngayon ay Kapamilya actor na, na si Richard Gutierrez.

Ilang oras bago magsimula ang programa hanggang kaninang madaling-araw ay top trending topic ito sa Twitter Philippines at sa buong mundo.

Ito ang kauna-unahang proyekto ni Richard Gutierrez sa Kapamilya Network.

Samantala, ito rin ang kauna-unahang programa ng aktres na si Angel Locsin matapos magpahinga sa telebisyon at makarekober sa kanyang naging karamdaman na may kinalaman sa disc bulge.

Ang ‘La Luna Sangre’ ay ang third installment ng mga naunang programang Lobo noong 2008 at Imortal noong 2010 na pinagbibidahan din nina Locsin, Cruz at ni Piolo Pascual.

Read more...