Sa 2017 Travel and Tourism Competitiveness Index na inilabas ng WEF, lumilitaw na nasa ika-79 na puwesto na lamang sa kabuuang 136 na bansa ang Pilipinas pagdating sa usapin ng seguridad sa mga turistang bumibisita sa bansa.
Mas mababa ito ng limang puwesto kumpara sa nakaraang survey ng WEF.
Sa aspeto ng ‘safety and security’ lagpak sa sa ika-126 na puwesto ang bansa.
Sa kabila nito, paliwanag ng DOT na unti-unti nang bumabalik ang kumpiyansa ng mga turista sa seguridad sa bansa dahil sa martial law sa Mindanao.
Positibo si Alegre na darating ang panahon na aangat na ang Pilipinas sa naturang survey pagdating sa isyu ng seguridad.