Martial law, nakatutulong para maging ligtas sa turista ang bansa-DOT
Ipinagkibit-balikat lamang ng Department of Tourism (DOT) ang ulat ng World Economic Forum (WEF) kaugnay sa mababang ‘tourism security rating’ na nakuha ng Pilipinas.
Sa 2017 Travel and Tourism Competitiveness Index na inilabas ng WEF, lumilitaw na nasa ika-79 na puwesto na lamang sa kabuuang 136 na bansa ang Pilipinas pagdating sa usapin ng seguridad sa mga turistang bumibisita sa bansa.
Mas mababa ito ng limang puwesto kumpara sa nakaraang survey ng WEF.
Sa aspeto ng ‘safety and security’ lagpak sa sa ika-126 na puwesto ang bansa.
Sa kabila nito, paliwanag ng DOT na unti-unti nang bumabalik ang kumpiyansa ng mga turista sa seguridad sa bansa dahil sa martial law sa Mindanao.
Positibo si Alegre na darating ang panahon na aangat na ang Pilipinas sa naturang survey pagdating sa isyu ng seguridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.