Ilang opisyal ng Iloilo PNP sinibak dahil sa NPA attack

By Chona Yu June 19, 2017 - 07:47 PM

Inquirer file photo

Sinibak na sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa si SSupt. Harold Tuzon bilang ang Provincial Police Director ng Iloilo PNP.

Ito ay base na rin sa naging rekomendasyon ni Western Visayas Regional Director Chief Supt Cesar Hawthorne Binag na sibakin si Tuzon dahil sa kabiguan nito na madepensahan ang kanyang police station sa pag atake ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Maasin, Iloilo.

Ayon kay Binag, ipinasibak na rin niya kay dela Rosa ang lahat ng tauhan ng Maasin Municipal Police Station.

Pansamantalang poposte sa Maasin Municipal Police Station ang mga pulis mula sa Iloilo Police Provincial Safety Company.

Pansamantalang papalit sa puwesto si SSupt. Christopher Tambungan na kasalukuyang Deputy Regional Director for Operations.

Ipinasibak na rin ni Binag kay dela Rosa si Supt. Ruby Gumban ang Chief of Police sa Passi City sa Iloilo dahil sa paulit ulit na offense nito dahil sa kabiguan na maging alerto sa kabila ng pag-iinspeksyon ng Deputy Regional Director for Operations na maging full alert ang status ang buong pwersa ng PNP.

Itinalaga naman ni Binag si Chief Inspector Gervinson Moyo bilang kapalit ni Gumban.

TAGS: binag, maasin leyte, NPA, binag, maasin leyte, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.