Paliwanag ni dela Rosa, kung walang martial law ay hindi mahuhuli ng PNP ang mga miyembro ng Maute group na ngayon ay naghahasik ng kaguluhan sa Marawi City at nasasangkot sa rebelyon.
Aminado si dela Rosa na wala kasing case build up noon laban sa mga Maute group kung kaya wala silang nakukuhang arrest warrant.
Dahil sa martial law, sinabi ni dela Rosa na empowered, emboldened at motivated na ngayon ang mga pulis na hulihin ang mga terorista.
Inihalimbawa ni dela Rosa ang mga naarestong kasapi ng Maute group na nasa Iloilo City na subalit dahil sa Martial Law ay nahabol pa rin sila ng kamay ng batas.