Malacañang dismayado sa NPA attack sa Iloilo

By Isa Avedaño-Umali June 19, 2017 - 03:22 PM

Inquirer file photo

Labis na ikinalungkot ng pamahalaan ang ginawang pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army o NPA sa isang police station sa Maasin, Iloilo kung saan tinangay ang ilang armas, police mobile pati pera ng mga pulis.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagkataon pang isinagawa ang pag-atake ng NPA kahapon o mismong araw na positibong tinugunan ng gobyerno ang deklarasyon ng National Democratic Front o NDF na itigil ang pagsasagawa ng opensiba sa Mindanao.

Giit ni Abella, bagaman hindi sa Mindanao ginawa ang raid ng NPA, maituturing pa ring pagsasamantala ito sa sitwasyon.

Sa kabila nito, hinikayat ni Abella ang NDF na pagsabihan ang kanilang mga tauhan sa ground na tuparin ang kanilang mga ipinapahayag at magpakita ng sinseridad sa confidence-building measure na sinimulan ng gobyerno.

Sa isang statement naman, binanggit ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na ang pahayag ng NDF at pamahalaan na iwasan ang pagsasagawa ng opensiba ay sa Mindanao lamang.

Wala rin aniyang ikinakasang bilateral ceasefire agreement para sa buong bansa, kaya ang NPA attack sa Maasin at iba pang parte ng bansa ay aaksyun ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa tulong ng ilang civilian agencies at mga apektadong komunidad.

Gayunman, inamin ni Dureza na ang pag-atake ng NPA ay magkakaroon ng negatibong epekto sa usapang pangkapayapaan bukod pa sa nagpapakita ng “tradegy of the insurgency.”

Umaasa naman si Dureza na ang paglusob ng NPA ay bahagi lamang ng birthpains ng kasunduan para itigil ang mga opensiba, kahit sakop lamang nito ang Mindanao lalo’t ang argumento ay para sa isang nationwide ceasefire.

TAGS: abella, maasin leyte, ncf, NPA, peace talks, abella, maasin leyte, ncf, NPA, peace talks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.