26 na pasahero sugatan sa airplane turbulence sa China

AP

Hindi bababa sa dalawampu’t anim (26) ang sugatan makaraang makaranas ng turbulence ang isang China Eastern Airlines flight mula Paris, patungong Kunming City, sa China.

Sa ulat ng Xinhua news agency, karamihan sa mga mga pasahero ng flight MU774 ay nagtamo ng fractures kung saan apat sa mga ito ang nasa malalang kondisyon.

Nakasaad sa ulat na karamihan sa mga pasahero ay tumama ang ulo sa overhead lockers at ang iba naman ay nabagsakan ng bagahe matapos ang malakas na turbulence.

Nabatid na dalawang beses nakaranas ng malakas na turbulence ang eroplano na tumagal ng halos sampung minuto.

Sa inilabas na pahayag naman ng China Eastern Airlines, handa silang umasiste sa mga pasaherong naapektuhan ng insidente.

Kasabay nito, nagpaalala ang nasabing airline sa lahat ng kanilang mga pasahero na palaging tiyakin na naka-seatbelt habang nasa biyahe para sa kanilang kaligtasan.

Ito na ang ikalawang beses na nakaranas ng aberya ang nasabing airline sa loob ng isang linggo.

Read more...