P250M ang halaga ng shabu na nasabat sa Marawi-AFP

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo June 19, 2017 - 12:08 PM

(UDPATE) Aabot sa P250 million ang pagtaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na halaga ng mga shabu na nasabat sa pinaniniwalaang kuta ng Maute sa Marawi City.

Ayon kay AFP spokesman B/Gen. Restituto Padilla, posibleng high-grade ang mga nasabat nilang labingisang kilo ng shabu.

May mga nakausap din umano silang residente na mayroong shabu laboratory sa conflict area.

Sinabi ni Padilla na maliban sa mga ilegal na droga, may nakuha rin ang pwersa ng pamahalaan na mga drug paraphernalia at sampung mga armas.

Natagpuan aniya ang mga ito sa kusina ng isang inabandonang bahay.

Nabatid na ang tropa ng alpha company na pinamumunuan ni 1st Lt. Emerson Tapang ng 49th infantry battalion ang nakarekober ng mga shabu.

Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, commander Western Mindanao Command, ang labing isang kilong shabu ang pinakamalaking illegal drug haul sa ngayon ng military.

Nai-turnover na sa Joint Task Group Haribon ang nakumpiskang shabu.

Matatandaang sa mga naunang araw pa lamang ng bakbakan sa Marawi, ilang sachet ng shabu na ang narekober ng military,patunay na gumagamit ng iligal na droga ang teroristang Maute group.

Sinabi rin ni Padilla na maaring gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga terorista upang manatiling gising sa gabi at hindi makaramdam ng pagod sa kasagsagan ng bakbakan.

 

 

TAGS: AFP, drugs, Marawi City, Maute, shabu, AFP, drugs, Marawi City, Maute, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.