Pangulong Aquino umapela ng mas mahabang pasensya sa traffic sa Metro Manila, Odd-Even scheme isa sa tinitignang solusyon

August 27, 2015 - 01:18 PM

traffic pa more
Inquirer file photo

Umapela si Pangulong Benigno Aquino III sa publiko na dagdagan pa ang pasensya sa nararanasang matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Metro Manila at mabilis na pagbaha kapag umuulan.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa isinagawang briefing ng flood management masterplan na idinaos sa Rizal Technological University o RTU sa Mandaluyong City.

Sinabi ng pangulo na hindi binabalewala ng administrasyon ang mga reklamo hinggil sa matinding traffic at agad na pagbaha.

Katunayan ayon sa pangulo, sa mga susunod na araw ay ipi-prisinta na sa kaniya ang ilang mga plano para masolusyonan ang trapiko sa Metro Manila.

Isa sa mga pinag-aaralang sistema ang paghahati ng biyahe ng mga sasakyang may plakang odd at even numbers kada linggo.

Sinabi rin ng pangulo na tiyak na makapagpapaluwag ng traffic ang odd – even scheme, gayunman, tiyak aniyang maraming motorist ang kokontra sa nasabing sistema dahil madaragdagan ang araw na hindi nila magagamit ang sasakyan.

Ayon kay Pangulong Aquino, ang problema sa mga Pilipino, ay nais nila ng ‘OK na solusyon at OK na konstruksyon pero hindi sila OK kung sila ang maiipit sa implementasyon./ Alvin Barcelona

TAGS: traffic in metro manila, traffic in metro manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.