11-kilo ng shabu, nasabat sa ginamit na kuta ng Maute sa Marawi

By Dona Dominguez-Cargullo June 19, 2017 - 08:18 AM

May nakumpiskang labingisang kilo ng shabu mula sa pinaniniwalaang kuta ng Maute sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, sa nagpapatuloy na clearing operations ng mga sundalo, may nakuha silang mga shabu sa isa sa mga lugar na pinagkutaan ng teroristang grupo.

Hinala ni Padilla, gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga terorista para manatiling gising sa gabi at hindi makaramdam ng pagod.

Patuloy pa ang paghalughog ng pwersa ng pamahalaan sa mga lugar sa Marawi.

Nananatili sa apat na barangay ang itinuturing nilang problematic areas.

Noong nakaraang taon, nang mapasok ng mga otoridad ang Butig, Lanao del Sur na unang kinubkob ng Maute ay nakakuha din ng shabu ang AFP.

 

 

TAGS: marawi, Maute, Terror, Terrorism, marawi, Maute, Terror, Terrorism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.