MRT nagka-aberya, mga pasahero ng tren pinababa
(UPDATE) Nakaranas ng maagang perwisyo ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT).
Alas 6:25 ng umaga ng Lunes, June 19, itinaas ang category 3 sa GMA Kamuning Northbound.
Ito ay matapos na magkaroon ng technical problem ang isa nitong tren.
Makalipas ang halos isang oras, muling nagkaroon ng problema ang biyahe ng tren.
Alas 7:12 ng umaga ay pinababa ang mga pasahero sa Guadalupe Northbound station.
Technical problem din ang binanggit na dahilan sa naganap na aberya.
Ang mga pasaherong apektado ng dalawang magkasunod na aberya ay pinasakay na lamang sa kasunod na tren.
Samantala, naitala naman ang ikatlong aberya sa MRT nang pababain ang mga pasahero sa Kamuning Station Northbound alas 10:18 ng umaga.
Nagkaroon umano ng technical problem ang isang tren sa pagitan ng Cubao at GMA Kamuning stations
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.