2 patay sa hit and run sa Parañaque

Kuha ni Cyrille Cupino

Dalawa ang nasawi matapos ma-hit and run sa Roxas Boulevard, Baclaran, Parañaque City.

Tumatawid ang dalawang biktima nang masagasaan ng van.

Malakas ang pagkakabangga sa dalawa dahil naiwan pa ang bumper ng sasakyan sa lugar.

Hindi naman huminto ang driver ng van at hindi rin ito naplakahan.

Dead on the spot ang isa sa mga biktima, habang dead on arrival naman sa San Juan De Dios Hospital ang isa pa.

Nagdulot ng pagsikip sa daloy ng trapiko ang insidente matapos pansamantalang isara ang isang lane.

 

Read more...