Ipinagluluksa ng Spain ang pagmakamatay ng isa sa kanilang mga kilalang ‘bull matador’ na nasawi makaraang masuwag ng toro sa isang bullfight sa France.
Nakisama sa pakikidalamhati ang royal family ng Spain at maging mga pulitiko dahil sa pagkamatay ng bull fighter na si Ivan Fandino na nasuwag ng kanyang nakaharap na toro na siya nitong ikinamatay.
Maging ang Prime MInister ng Spain ilang mga sikat na matador ay nagpahatid rin ng mensahe ng pakikiramay sa pagpanaw ng 36-anyos na bullfighter.
Nasawi si Fandino sa ospital sa France noong Sabado kung saan ito isinugod makaraang masuwag sa dibdib ng toro sa kasagsagan ng bullfighting festival sa naturang bansa.
Dahil sa tindi ng pagkakabaon ng sungay ng toro, tumagos ito hanggang sa baga ng matador na siya nitong ikinamatay.
Hanggang sa ngayon, sikat pa rin ang bullfighting sa Spain sa kabila ng mga protesta ng ilang grupo dahil sa paglabag nito sa ‘animal rights.’