Light truck ban sa Edsa at Shaw Blvd., extended hanggang September

By Jay Dones June 19, 2017 - 04:21 AM

 

Pinalawig pa hanggang September 15 ang pagbabawal sa pagdaan ng mga ‘light truck’ sa kahabaan ng EDSA at Shaw Blvd.

Sa ilalim ng regulasyon ng Metro Manila Council (MMC) ipagbabawal pa rin ang pagdaan ng mga truck na may gross capacity weight na nasa 4,500 kilograms sa kahabaan ng EDSA at Shaw sa pagitan ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga.

Sa hapon, bawal pa rin ang mga naturang truck sa pagitan ng alas 5:00 hanggang alas 10:00 ng gabi.

Ayon kay Cris Saruca ng MMC Secretariat, lumitaw na naging epektibo sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko ang ‘light ruck ban’ sa naturang lugar nitong nakalipas na mga buwan.

Ito ang dahilan kaya’t extended ng hanggang September 15 ang regulasyon.

Dapat sana ay magtatapos ang light truck ban noong June 15.

Sinimulang ipatupad ang naturang regulasyon noong March 15.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.