Milyon milyong pisong sahod at kumpensasyon ng mga opisyal ng SUCs, inilantad ng isang mambabatas
Kinuwestiyon ni Kabataan Party List Rep. Terry Ridon ang nakakalulang sahod at allowances ng ilang opisyal ng mga State Universities and Colleges o SUCs.
Ayon kay Ridon, obscene amounts ang tinatanggap ng mga SUC officials na lagpas pa sa dalawang milyong piso na sinahod ng mismong Chairperson ng Commission on Higher Education o CHED na si Patricia Licuanan.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
PUP President Emanuel De Guzman – P2.98 million
PUP Vice President Samuel Salvador – P2.7 million
PUP Vice President Joseph Mercado – P2.66 million
PUP Executive Vice President Manuel Muhi – P2.4 million
Philippine Normal University President Ester Ogena – P2.2 million
Cavite State University President Divinia Chavez – P2.19 million
Jose Rizal Memorial State University President Edgar Balbuena – P2.07 million
Ang mga nabanggit ay nakakatanggap ng may malaking suweldo kumpara sa Presidente ng University of the Philippines o UP na si Alfredo Pascual na mayroon lamang 1.3 million pesos kada taon.
Ang datos ay base sa tinanggap nilang sweldo at allowances noong 2014.
Ayon kay Ridon, batid naman niya ang hirap ng pagpapatakbo ng pampublikong paaralan, pero masyado aniyang iregulat ang taas ng sahod ng mga nabanggit na opisyal.
Sinabi ni Ridon na kailangang magpaliwanag ng mga naturang opisyal, sa harap na rin ang kapos na kapos na budget ng maraming SUCs at bigong makapagpasweldo ng mga school personnel./ Isa Avendaño-Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.