Laban kay Conor Mcgregor, hiling ng publiko ayon kay Floyd Mayweather

By Mariel Cruz June 18, 2017 - 09:00 PM

Tutuparin lamang ni boxing legend Floyd Mayweather ang hiling ng publiko kung kaya pumayag siya sa hamon na pakikipagtunggali kay mixed martial arts star Conor McGregor.

Ito ang naging pahayag ni Mayweather sa kabila ng muling pagsabak niya sa boxing ring kahit pa nagretiro na siya pagboboksing.

Sa isang panayam, sinabi ni Mayweather na ibibigay lamang niya ang laban na gustong makita ng publiko at matagal nang hinihiling.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Mayweather matapos ianunsiyo ang kanilang nakatakdang paghaharap ni McGregor noong nakaraang Miyerkules.

Magaganap ang Mayweather-McGregor fight sa August 26, sa Las Vegas.

Matatandaang inanunsiyo ng American boxing legend ang kanyang pagreretiro noong September 2015 matapos niyang talunin si Andre Berto.

Sakaling matalo ni Mayweather si McGregor, maaabot na niya ang 50-0 career milestone.

Samantala, ibinahagi ni Mayweather na masayang nagkasundo ang dalawang panig ukol sa presyo ng kanilang laban ni McGregor.

Una nang napaulat na naglalaro sa 2,013 dollars o P99,643 hanggang 93,609 dollars o P4.63 million ang presyo ng ticket sa naturang laban.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.