Ayon kay Armed Forces of the Philippines public affairs chief Col. Edgard Arevalo, as of 6 pm ng June 17, araw ng Sabado, kabuuang 243 na baril ng Maute group ang narekober ng tropa ng pamahalaan.
Nananatili naman sa 26 at 59 ang bilang ng mga nasawing sibilyan at sundalo sa sagupaan.
Dagdag pa ni Arevalo, umakyat na sa 1,636 ang nailigtas na sibilyan ng militar.
Samantala, sinabi din ni Arevalo na naghahanda na ang militar para sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng Marawi City.
Handa na aniya ang Combat Engineering Brigades mula sa Philippine Army at Navy para sa agarang deployment sakaling matapos na ang clearing operations.
Inanunsiyo din ng AFP na nagbukas sila ng bank accounts sa Land Bank of the Philippines kung saan maaaring magbigay ng mga donasyon para sa pamilya ng mga nasawing sundalo at inilakas na mga residente.
Maaaring ideposito ang tulong pinansyal sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa:
Account Name: AFP Marawi Casualty
Account Number: 00000552107128
Para naman sa mga inilikas na residente sa Marawi, maaaring ideposito ang donasyon sa:
Account Name: Marawi IDP (Internally Displaced Persons)
Account Number: 00000552107136.