Siya ay ang pinaka-bata sa pitong Maute brothers, na pawang nanguna sa pagsalakay sa Marawi City.
Ayon kay Department of Justice o DOJ Undersecretary Erickson Balmes, na-inquest si Maute sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro.
Inasistihan si Maute ng dalawang abogado mula sa Public Attorney’s Office o PAO.
Si Abu Jadid, na isang hinihinalang bomb-maker, ay naaresto sa isang bahay sa CDO noong nakalipas na linggo.
Batay sa otoridad, si Abu Jadid ay sangkot sa ilang pagpapasabog sa Mindanao, maging sa pagdukot at pagpatay sa Lanao del Sur noong nakalipas na taon.
MOST READ
LATEST STORIES