Kasunod ito ng mga bigong pagsubok ng Kalipunan ng Damayang Maralita (Kadamay) na maukopahan ang mga bakanteng units doon nasa dalawang buwan na ang nakararaan.
Ayon kay Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna, nanatiling nasa alert status ang pulisya laban sa pwersahang takeover ng nasa 4,000 mga bahay na pinapangasiwaan ng National Housing Authority sa Barangay Batia.
Kaugnay pa rin ito ng mga bagong banta ng Kadamay na muli silang mag-uukopa ng mga pabahay.
Habang ayon naman kay Bustos Mayor Arnel Mendoza ay binabantayan na ng pulisya ang Barangay Bonga Mayor kung saan naroon ang 877 low-cost housing units ng NHA.
Matatandaang una ng nagtagumpay ang Kadamay sa pag-ukopa sa nasa 5,000 low-cost houses sa anim na resettlement projects ng NHA sa bayan ng Pandi noong Marso.