UK, inalala ang mga biktima ng sunog sa Grenfell Tower

By Rod Lagusad June 18, 2017 - 04:23 AM

AP Photo

Pinangunahan ni Queen Elizabeth II ang pagbibigay ng isang minutong katahimikan para sa mga biktima ng sunog sa Grenfell Tower kung saan hindi baba sa 30 katao ang namatay.

Sa kasalukuyan, patuloy ang paghahanap pa ng mga posibleng mga namatay sa naturang insidente.

Kaugnay nito, patuloy ang galit ng publiko kasunod ng kanilang paghingi ng paliwanag kung bakit mabilis na nilamon ng apoy ang nasabing gusali.

Aabot sa 70 katao ang nanatiling nawawala habang ang pagkilala sa mga labi ng mga nasawi ay pahirapan.

Ayon sa mga health authorities nasa 19 pang mga pasyente ang patuloy na ginagamot sa apat na ospital sa London kung saan 10 dito ang nasa kritikal na kondisyon.

TAGS: grenfell tower, queen elizabeth II, UK, grenfell tower, queen elizabeth II, UK

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.